Sunday, May 12, 2013

Missing You On Mother's Day


Today, we are celebrating Mother's Day. And as a tribute to my mom who's now in resting in peace, I've made one of my pictures with her as my FB's cover photo. But before I went to bed tonight, I've decided to make a post about her. Since it's normal to be emotional during Mother's Day, please let me share my thoughts about my mother.

Scanned solo pic ni Mama
 Like other daughters, for me, she’s the best mother in the world. I remember one time, when I was (I think) six years old, she prepared the usual merienda in the province: nilagang kamote at saging. But I jokingly told her I don’t want to eat that because I want “atay-atay”, a soft, sticky, dough-like food na super favourite ko that time. (I don’t know its Tagalog name, the only thing I remember with that food is its main ingredient, which is yellow corn grits). I thought she’ll get mad, spank me, force me to eat what she’d prepared, or anything, but guess what she did? She granted my request! That’s just one of my most touching moments with her.

With all the love and care I got from her since childhood, I’ve promised to myself that I would do my best for her and give her the best someday. And for me, that someday is when I’m already working, the time when I can already afford to give her the things she never had before. But since I was just a kid back then, I show her my love and care for her by being a “masunuring bata” to her. I followed her advice and always considered her suggestions. She’d always been a part in making my decisions, even in choosing clothes to wear in school activities. She’s the one who always do my haircut and even clean my ears until I finished elementary.

In our home, we were not used to being affectionate. I mean, yeah, I do tell my parents I love them, but I can only them those expressive words by letters. Kumbaga, hindi uso sa amin ang lambingan portion. I only get a chance to tell them how I feel towards them pag may special occasions. Ang pinakatanda kong bigay ko sa kanila is yung card ko for Mama on her 42nd birthday (kung saan nagkamali pa nga ako ng sulat, imbes na 42, 22 nailagay ko, tawa much si Mama dun. Hehe) I also gave a card and a small photo frame for my parent’s wedding anniversary. May time pa nun na nagkaron kami ng project wherein we were asked to create our own version ng tulang “Kung Hindi Sa Inyo.” Dinibdib ko talaga ang project na yun. I didn’t copy even a single line from the original tula because I want to make one for them, something na alam kong ma-a-appreciate nila. And my guess is right, natuwa nga si Mama.

Me and Mama (Elem. Graduation, March 2000)

Siguro kung iisa-isahin ko ang masasayang alaala ko with Mama, mahihirapan akong tapusin ang post na ito. Basta ang alam ko, marami akong masasayang memories with her. Wala ako masyadong matandaan na malungkot kasi sa totoo lang, maingay ang Mama ko pag galit pero minsan lang niya ako napalo, at hindi pa masakit, hehe (Peace, Ma!)

Mas nakilala ko si Mama noong nagkausap kami ng matagal nung December 31, 2001. Kumpleto kami num sa bahay pero nang gabing yun, si Papa nasa labas at kasama mga bisita namin. Ang lima ko namang mga kapatid ay mga tulog na. So, ako na lang at si Mama naiwan sa kusina. Bale, ako yung naging assistant cook nya nun. Mula around 9pm ng New Year’s Eve hanggang mag-umaga, nagkwentuhan kami ng mga pinagdaanan niya noon. Di naman tragic ang buhay niya nun, pero I’ve learned so many things about her from that long talk. Since then, I started having casual talk with her about her but that kind of “getting-to-know-my-mother” stage didn't take long.

On the 25th day of January, 2002 (Friday), galing ako nun sa kabilang barangay kung saan kami pumapasok ng two younger sisters ko, naabutan ko ang isang note galing kay Mama. Umalis kasi sila nun ni Papa kasi magpapa-check up daw sila. Sabi nya sa note, bahala na daw muna kami ng Ate Bing ko maglaba the following day, Sabado, o habang wala pa sya. I don’t know where my feeling/emotion came from – but right after reading her note, umiyak ako. There’s a negative feeling na pilit pumapasok sa isip ko. Mula nga noon, hanggang sa maoperahan sya in February, kami nga ni Ate Bing naglalaba sa bahay kada weekend. (One of the reasons why I don’t enjoy Valentine’s Day is ang alam ko kasi, Feb.14 inoperahan si Mama, though sabi ng Auntie ko, Feb. 13 daw talaga.) Oh, by the way, naunahan nga palang maoperahan si Papa sa mild cyst nya. Si Mama naman, hayun… cervical cancer pala ang sakit nya. So, yun… inoperahan na sya, at nagpagaling sa ancestral house nila sa Daraga.

Mid-March 2002, nanawagan sa radio ang isa kong Tito na dalhin daw ni Papa ang ibang damit ni Mama kasi nagsasawa na daw si Mama sa mga damit nya dun. Wala pa kasi nun cellphone sa bahay. Ang kaso, di namin narinig yung panawagan at kapitbahay lang ang nagsabi sa’min – at ang sabi kay Papa, pumunta na daw kami sa Daraga at patay na si Mama. Nang marinig ko yung balita, I was so shocked, really shocked! Ang ginawa ko, pumunta ako ng school namin, nagpaalam sa mga teacher ko na di na muna ako papasok at patay si Mama. Nakiusap pa ako na mag-advance take na ako ng last periodical test, at pinagbigyan naman nila ako. (Thanks to them, they’re so kind.)

Habang nasa biyahe, iyak ako ng iyak, pati mga kapatid ko. I then silently talked to God, I prayed, I wished… Sabi ko pa sa kanya, "God, if miracles do happen, please show it to me now. Give me a miracle, please." Nung papunta na kami sa gate ng family house nila Mama, para akong mamamanhid, parang ayoko pumasok sa bahay – but I have to. Nang makapasok na ako ng bahay, parang gusto ko mahimatay! Thanks God, buhay si Mama! I even had a chance to talk with her, although bulol na sya magsalita nun. Dun namin nalaman na mali pala ang pagkaka-relay ng panawagan sa’min. Nung time na yun, na-prove ko na totoo pala ang miracle. Hindi lang yun basta salita because it does exist, it does happen, lalo na pag nagtiwala tayo sa Kanya.

Sa pag-stay namin sa Daraga, may time nun na parang hiniling ni Mama na Makita kaming anim na mga anak nya at inisa-isa kami ng Auntie ko na pinalapit sa kanya, pinakausap, pinayakap at halik sa kanya. Nauna panganay, pinakahuli si Bunso. When my turn came, I just stood there – in front of her, crying, speechless. When my aunt told me to hug and kiss Mama, I didn’t move. Ayoko. I can’t. Parang sa isip ko, pag ginawa ko yun, parang tinanggap ko na sa sarili ko na yun na ang huling lambing ko sa kanya. “Ayoko. Di ko pa kaya. Please, Lord, wag muna ngayon.” Yun ang nasabi ko.

I guess, it was 25th of March when Papa told me to go home, to our hometown, because I need to attend the Recognition Day in our school. Ewan ko kung pano nalaman ni Papa na isa pala ako sa mga nakakuha ng High Honors nun sa 2nd year. I don’t want to attend sana kasi ayoko maiwan si Mama. Besides, sa totoo lang, she’s the reason why I finally became among the top in our class. She’s my inspiration, my only one. Kaya siya ang gusto kong kasamang kumuha nun. Sinabi ko yun sa kanya, pero ang sagot lang nya sa pabulol na pagkakasabi, “Kunin mo yung medal para sa akin, dalhin mo dito, gusto kong makita.” Left with no other choice, umuwi ako to attend the “BIG” day.

Ang kasama ko umuwi? Si Ate Bing lang. Actually, gabi yung Recognition Ceremony, isinabay na sa Graduation. March 26, 2002 – this is the day! Bandang 2pm pa lang, nandun na kami ni Ate Bing sa boarding house namin, kaya lang, dahil yata sa pagod sa paglalakad mula bahay namin papunta sa boarding house namin, nakatulog pa ako pagdating dun. At sa pagtulog kong yun, nanaginip ako ng masama. Patay na daw si Mama. Iyak ako ng iyak hanggang sa magising ako. Sabin g pinsan ko, wag ko daw damdamin yun, kasi pag nanaginip ka daw ng ganun, ibig sabihin, mahaba pa ang buhay ni Mama. After nun, dali-dali na akong nag-prepare para sa Recognition. Kahit malungkot ako na di si Mama kasama ko, nakuha ko pa rin naman ang medal ko that night.

Kinaumagahan, nauna umalis ng boarding house si Ate Bing. Sa pag-uwi ko, napadaan ako sa isang lugar kung saan nawerduhan ako kasi parang iba ang tingin ng mga tao sa akin. Then, may isang naglakas-loob magtanong, ang sabi: “Ba’t nandito ka?” Sabi ko, “Wala. Pauwi po sa’min. Makikidaan lang.” Kumunot ang noo nya, sabay sabing, “Di ba patay na Mama mo? Ba’t nandito ka pa? Ba’t di ka pa pumupunta ng Daraga?” Medyo malayo pa ang bahay namin sa lugar na yun, mahigit isang oras din kung lalakarin, pero di ko na maalala kung paano ako nakauwi. Basta ang alam ko, emotionless ako after ko marinig yun dun sa babae. Oo shocked siguro, pero yung umiyak? Di ko magawa yun.

Nang makarating ako sa bahay, andun si Ate, umiiyak, may hawak na papel (sulat ni Papa at confirmed! Wala na talaga si Mama.) Pinadala pala yung sulat sa pinsan namin right after malagutan ng hininga si Mama, pero kabilin-bilinan ni Papa na wag ibibigay yung sulat hangga’t di pa ako nakaka-attend ng Recognition kasi alam niyang di na ako tutuloy pag ganun. Si Ate Bing, nung time na yun, shocked talaga. Ayaw nya akong kausap. Ayaw nya pumunta sa Daraga. Nilubog pa nga nya mga damit nya sa tubig para wala sya maisuot. Pero ako, kahit never pa nasubukan magbyahe mag isa, I went to Daraga – alone. (Ni hindi ko na maalala kung kelan ba sumunod si Ate nun o kung sinundo ba sya nun?)

Surprisingly, nakarating ako sa Daraga kahit around P20 lang perang dala ko nun. Pagkarating ko ng bahay, ang lakas ng heartbeat ko, grabe ang kaba ko. Kita ko ang madaming tao, yung yellowish na ilaw (kaya ayaw ko ng malamlam na ilaw kasi naaalala ko yun), at higit sa lahat, may nasisilip akong putting parang mahabang kahon. “Diyos ko po, wag naman sana. Wag po muna ngayon. Sana mali na naman ang nasagap kong balita.” Yun ang hiling ko nun. Nakita ko ang isa kong tiyahin, nginitian ko sya, nag-bless ako sa kanya, pero kinontra nya. “Bakit po?” Gulat sya, at sabi, “Ano ka ba? Bawal magmano pag may patay!” Parang maninigas na ang katawan ko nun, in denial pa talaga ako kaya sabi ko, “Bakit sino po ang patay?” “Si Mama mo. Hayun oh…” sabay guide nya sa’kin papunta sa kabaong ni Mama. Yun yung time na ginusto kong lumubog ako, maumpog sa pader at mawalan ng alaala. Di ko kayang harapin pero kelangan, yun ang dapat. Dun ako nagising. Lalo na nang makita ko ang mukha ni Mama, ang katawan nya sa loob ng kabaong. Saka lang ako nun umiyak, saka nagsink-in sa isip kong tunay nga - iniwan na kami ni Mama.

Lumipas ang ilang araw, wala ako ibang ginawa kundi umiyak, maawa sa sarili, matulala, at magtanong sa Kanya. “Bakit ganito kaaga? Maliliit pa ang dalawa kong kapatid, paano na kami? Bakit si Mama pa?” Pero walang sumagot.

Isang gabi, nakausap ko ang dalawang bunso namin. Nagkaiyakan kami at dun ako nangako na aalagaan ko sila at susubukan kong punan yung mga bagay na di na maibibigay ni Mama. Madaling sabihin pero mahirap palang gawin. For the first two months after she died, parang walang direksyon ang buhay ko. Mahirap mawalan ng ina, lalo na pag matapang ang ama mo. Naging very emotional ako since then. Konting problema, iyak agad, self-pity agad. Self-pity kasi pakiramdam ko, mag-isa ako. May kasama sa bahay pero walang nagbibigay ng emotional support. May mga time pa nun when I considered ending my life. Para matapos na ang lahat, para makasama ko ulit si Mama. Kaya lang, naisip ko nun, "Iiwan ko rin ba ang dalawa kong kapatid?"

Hanggang sa mamalayan ko na lang, pasukan na naman. Para akong robot na gumagalaw nun. Nagsikap pa rin ako sa school, pero di ko na alam nun ang purpose ng pag-aaral ko. Wala na ang inspiration ko. Wala na ang pangarap kong bigyan ng magandang future. Wala na, iniwan na ako. Ang mas masaklap pa dun, iniwanan pa nya ako ng responsibilidad – yung dalawang bunso namin. I admit, di ko napanindigan ang promise ko sa kanila nun. Di ako naging sandalan nila sa times na nangungulila sila kay Mama. Oo, naging ate ako sa kanila, pero yung promise ko na ako na tatayong nanay nila? Hindi nangyari yun. Nahirapan akong i-manage ang pagiging anak na nawalan ng ina at pagiging ate turned nanay nila.

During my Graduation in high school, I can’t help myself but cry. Iniisip ko nun, “What if buhay si Mama, andun kaya siya pag-graduate ko? Siya kaya kasama ko? Proud kaya sya for me? Ano kaya pipiliin nyang isusuot ko?” Puro ako what if.

Nang pumasok ako ng college sa kabilang bayan, mas nawalan ako ng time to take care of my two younger sisters. But one time, nagkausap-usap kaming tatlo. Medyo nagkalabasan ng sama ng loob at dun ako natauhan ng marinig ko ito sa kanila: “Akala ko ba nang mawala si Mama, andyan ka para punan yung kawalan nya? Bakit di ko maramdaman? Ba’t parang pati ikaw nawala? Mangangako ka, di mo naman pala kayang panindigan!” Tumatak sa isip ko yung huling sinabi nila. From there, pinag-aralan ko kung paano maging nanay sa mga kapatid. I did my best to help them accept our mother’s death. Then, I motivated them to strive in life, na kung hindi man para sa kanila, kahit para na lang kay Mama na alam kong nakabantay lang sa’min. Pero alam nyo, habang sinasabi ko yun sa kanila, ginagawa ko din yun sa sarili ko. Aside from Mama, ginawa ko ding inspirasyon ang dalawa kong “anak” para maging matatag at magsumikap sa buhay. Sila yung naging inspirasyon sa bawat gawain, pangarap, at desisyon ko sa buhay mula noon.

Marami akong natutunan sa buhay, at malaking parte dun ay dahil sa maagang pagkawala ni Mama. Oo, malungkot ang nangyari pero ayoko na isipin ang lungkot. Mas gusto kong isipin yung mga positibong resulta ng pagkawala nya. Unang una kong natutunan ay ang pagiging independent, lalo na sa pagawa ng desisyon para sa sarili. Pangalawa, yung pag-appreciate sa ibang member of our family. You know, nang buhay pa kasi si Mama, parang sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Pero ngayon, pantay na. I love my two sisters so much; pero di ko kinakalimutan si Papa at ang mga ate ko.  They need my love and care, too. Having a big responsibility at an early age also helped me a lot. Kasi kung wala akong responsibility na iisipin, baka napabarkada ako; baka ako lang gagastos ng sahod ko; baka nakapag-asawa ako ng maaga.


Of course, if I would be given a chance to choose my destiny or go back to the past, I won’t choose the part when my Mama died too early. Mas pipiliin ko pa ring makasama sya ng mas matagal, kasi alam ko, nawala man sya ng maaga o hindi, matututunan ko din ang mga aral na yun sa tamang panahon. Madami din akong pinanghihinayangan sa maaga nyang paglisan, eh. Sana kasi mas nakilala ko pa sya. Sana ay mas naipakita ko pa sa kanya kung gaano sya kahalagay sa akin. Sana kasama ko sya sa mahahalagang pangyayari sa buhay namin. Sana nakita nya kung paano ko pinahalagahan at patuloy na pinapahalagahan ang mga tao at bagay na dumarating sa’kin. Sana nakita nya ang pag-evolve ko from a very shy, aloof little girl into a very loud, strong person (although little pa rin naman). Kung alam ko lang yung mangyayari, sana niyakap at hinalikan ko sya nung nakaratay pa sya, o kahit nung wala pa syang sakit. Sana naglakas-loob akong maging expressive sa kanya sa bawat araw na nakasama ko sya. Sana, sana, sana…

Kaya sa mga anak na kasama pa ang mga magulang ngayon, do your best for them para wala kayong regrets pag nawala sila sainyo. Wag natin husgahan ang mga magulang natin at ang mga ginagawa nila for us. Sa totoo lang, mula ng matutunan ko kung paano maging magulang sa two younger sisters ko, feeling ko talaga, magulang na ako. Di man lubos, but somehow, I now know how it feels to become a parent. Alam ko kung bakit sila strict sa daughters nila, kung bakit madaming bawal, at kung bakit mahigpit sila minsan sa budget. Alam ko na din kung ano pakiramdam ng magsakripisyo para sa anak, magsermon, masagot ng pabalang, at higit sa lahat, ma-appreciate. Sobrang fulfilling pala pag nalaman mong na-a-appreciate ng tao yung mga ginawa mo for her. It is also rewarding when you feel that someone needs you not just financially, but simply by being there for her, to guide her and be her company, her friend, her sister, her mother, her anything she needs.
 
With my two bunsong kapatid
To Mama, thank you very much for being a part of my life, for bringing me and my sisters in this world. Thank you because without you, I’ll never meet Jonah and Lea, my two precious jewels in life. Sayang, di mo na nakilala personally ang ibang taong nagpakulay ng mundo ko – my loved one and my dear friends. Thanks sa mga advice mo noon, sa mga pasimpleng lecture about life. Sorry kung may nagawa ako na ikinasama ng loob mo. I know, someday, we’ll meet again.

You’ll always be here in my heart, still my inspiration. Hope you’re now happy and in peace. Let me tell you how much I love and miss you. Happy, happy mother’s day to you… :)