Tuesday, May 10, 2011

Paano Ba Mag-Save ng Pics From FS to PC?

Last week, napanood ko sa TV na mag-a-upgrade na daw ang Friendster. Nag-freak out ako ng malaman kong mawawala daw ang photos na naka-save doon. I mean, yung photos na si-nave ng users ay mawawala daw!


Gosh, wala pa naman akong soft copy ng mga yun! So, ginawa ko, naghanap ako ng paraan para mai-save ko ang pics ko dun without consuming so much time. Actually, wala akong nahanap na way para makapag-save ng isang buong album in just few clicks. But I guess, what I've found is already worth sharing. Kasi ang nahanap ko lang ay ang pag-save ng photos per webpage (approx. 20 photos).


Here's how:


○ Buksan ang friendster.com sa Mozilla Firefox browser.
○ Mag-log in gamit ang iyong email add at password.
○ I-click ang Photos tab.
○ I-click ang album na nais i-download. Sa menu bar ng browser, i-click ang Tools, at pagkatapos ay Page Info.




○ Pagkatapos i-click ang Page Info, may magpa-prompt ito:




○ I-click ang Media tab. Mula sa listahan ng mga links, pillin ang links na nagsisimula sa http://photos-p.friendster.com. I-press ang  CTRL button habang nagki-click para makapili ng maraming pictures. Example:




○ I-click ang Save As at i-save na ang mga napiling pictures sa folder kung saan mo ito nais i-save. Antaying matapos ang pag-download bago isara ang window.


Note: Kung more than 20 photos ang laman ng album mo, kelangan mong i-click ang page 2 ng album at ulitin ang procedure.

2 comments:

iaian said...

As in me ganung trivia ah...hahaha! discovery 101.

raiden28 said...

Whoa! Astig...di ko to alam ha...Thanks thanks..Back up ko n din ung mga pix ko sa FS..

SEO Freelance and Experience Bicol