Monday, August 23, 2010

Mga Nakakalokang Adventures Ko

Alam ko, August na ngayon at medyo late na nga kung magkukwento pa ako ng tungkol sa mga nangyari sa mga nakaraang buwan. Pero wala akong pakialam, eh type ko talagang magkwento, 'no?

May pa lang, alam ko ng magiging busy ako by June at magiging memorable sa'kin ang month na 'yun. (Obviously, busy talaga ako nitong nakaraang mga buwan. Ni hindi nga ako naka-update 'tong blog ko. Hehe) Nung first week ng June (June 3 to be exact), umuwi ako ng Pio Duran (Piox in short, hehe) di para magbakasyon kundi para magfit ng damit pang-abay. Hmmm siyempre, buwan kaya ng mga kasalan ang June, 'no? Actually, June 5 pa naman ang kasal pero a-tres pa lang umuwi na 'ko para makapagbakasyon na rin. Hehe, pasimple pang tambay. Ang kaso, on the way pa lang ako, tinext na ako ng inaplayan ko (kasi nga naiinis na ako sa company na tinatrabahuhan ko that time) na interview ko daw kinabukasan, June 4 @ 4pm. Gosh, kaloka talaga. Hayun, kinaumagahan nga, balik ako dito sa Legazpi at bongga! Ang saya ng interview. Take note: tatlo ang interviewer! San ka pa?! Pero okay naman, kering keri na yun, hehe.

After the interview, uuwi na sana ako. I mean, punta na sana ako ng Piox. Kaso, di na ako nakahabol sa last trip. Kaya hayun, nakitulog ako kina Kaye sa Ligao. Pero siyempre, super maaga akong umalis ng Ligao kasi ayokong ma-late. Imagine, 5am pa lang, ready na anek (define anek: ako) magbiyahe. Around 7am pa lang andun na ako sa venue ng reception (dun kasi kami aayusan at magbibihis ng bonggang dressessessesses, haha). Kung may di man ako nagustuhan, yun ay ang fact na naglakad kami from the reception's venue to the church kung saan ginanap yung kasalan. Hakhak, nag unahan kasi mga tao sa sasakyan, hayun ang kawawang mga abay, naglakad. Overall, enjoy yung kasalan. And take note, ako ang nakasalo ng bridal bouquet. First time ko pa naman nun sumabay dun sa mga sasalo ng bouquet, ahahay!

As in busy talaga ako nung first few days ng June. Imagine, two times ako nag-abay? Nung June 9, pumunta ako ng Libon, sa bahay nina Ate Shie kasi kasal niya kinabukasan (June 10). Born Again pala ang religion ni Kuya Paul, yung long-time boyfriend ni Ate Shie at I thought nagpa-convert na rin siya dun kasi hindi sa simbahan ng Katoliko sila kinasal. Pero hindi naman pala. In fairness, ang ganda ng wedding nila. Di ko inexpect na ganun kaganda ang ceremony ng kasal sa kanila. During the ceremony kasi, ini-explain ni Pastor yung meaning ng bawat part ng ceremony. Halimbawa, yung candles, sinisindihan daw yun during the wedding  ceremony to symbolize the patience of the couple to each other. Pag napundi daw ang isa, dapat sindihan ng isa para maging maliwanag ulit. Then, yung gintong singsing naman, nagsi-symbolize daw yun sa di kumukupas na pagmamahalan ng couple.

Pagkatapos ng halos magkasunod na pag-abay ko sa kasal, bumalik na ulit at nag-focus na ako sa work ko sa not-so-good-company-but-keep-on-hiring. Then, June 21, nagkasundo kami ng mga ka-work ko na mag-jamming kina Ate Mitch. Bale pa-despidida 'ata ki Jef, hehe. Wala akong idea - actually sila din - na magiging sobrang memorable pala ang jamming na yun.I thought, isang simpleng tambay lang yun, pero hindi pala. Well, kung sa pagka-simple, simple naman talaga.Kumain kami ng junk foods at manga (courtesy of Jef). At siyempre, may konting inuman din, haha. Yun nga lang,medyo may na-miss ata ako kasi umakyat ako room nina Ate Mitch para magpahinga ng konti nang sumakit ang tiyan ko. Actually, parehas kami ni Ate Vioj iba ang pakiramdarm that day pero siya nag-stay lang dun sa umpukan. Akala nga nila, nagjo-joke lang ako na masakit ang tiyan ko kasi ayaw ko uminom. Tapos nung pinagbigyan ko ng isang tagay, nakita ko parang may insekto sa baso kaya kinutsara ko. Tawanan sila. Hahaha. Picture, picture! Huli sa akto! Bigla akong nakapag-pauso ng bagong style ng pagtagay: gumamit ng kutsara. Hahahaha!

Kinaumagahan (June 22), hindi ako nakapasok sa work kasi nagka-trangkaso ako. Pagbalik ko sa work (June 23), saka ko lang nalaman na pati pala si Ate Vioj di rin pumasok nung 22 kasi nagkasakit din pala siya. Tawa kami ng tawa kasi may nag-joke na baka daw dahil sa jamming kaya kami biglang nagkasakit. O kaya naman daw, baka tinamaan kami ng "delayed salary" virus, hahaha! Nung nagkasakit ako, dun ko na-realize na di na ako dapat nagti-tiyaga sa company na yun kung ganung delayed na lang ng delayed ang sahod. Ni hindi kasi ako pinagbigyan kahit sinabi kong ibibili ko ng gamot yung kukunin ko. Hmmp, pasamba man talaga ang mga tao dun sa accounting department, hmp! Hmp!

Pagkatapos ng ilang araw, bumalik na naman ang trangkaso ko. After nun, nag-decide na akong mag-resign. Mas mabuti pang tumambay na lang ako sa bahay kesa ganyang nagkakasakit ako, wala man lang pambili ng gamot - daig pa ang jobless. Pero nagulat ako ng sabihin ko sa mga ka-work ko na magri-resign na ako. Bakit? Kasi may "mga" kasabay ako magresign. Gosh, apat kaming sabay-sabay nagresign.

Hanggang ngayon, parang napi-feel ko pa rin ang pagod at hang-over na excitement sa mga nangyari Last June. Napapangiti ako pag naaalala ko yung pag-abay ko at naloloka naman pag yung pag-resign namin ang naiisip ko. Pag tinatanong ko ang sarili ko kung nagsisi ba ako sa pag-resign, ang sagot ko: malakas na "HINDI!" Yun ang isa sa pinakamagandang desisyong ginawa ko ever. Masaya ako sa kung anumang meron ako ngayon. Siguro kung di ako nag-resign dun, wala ako dito sa work ko ngayon na super enjoy. Sana masaya din ang management ng not-so-good-company na yun na minsan kong naging employer.

To Siony and her husband (forgot ko yung name) and Ate Shie and Kuya Paul, good luck po sa marriage nyo. Sa mga ka-work ko na kasabay ko mag-resign, enjoy your life outside that not-so-good-company, hehe. Sa mga naiwan, be patient. Yun lang. Ahihi.