Tuesday, June 15, 2010

_t.m.k. adik_

If only I could turn back the time...

Sana nung March 25, 2010 @ 1:28am, di mo na lang na-click name ko sa chatbox ng facebook. Sana di ka na lang nagtype ng "hello =)"..Sana di na lang ako nagreply...Sana di na nasundan ng ilang beses ang pagchat natin...Sana di mo na lang kinuha number ko...Sana di na lang tayo nagtext-text...Sana di na lang tayo naging close.

Masaya naman ako dati na hanggang tingin lang ako, pero bakit ngayon pa?! Ngayong mahal na mahal na kita? Alam kong wala akong magagawa kung aalis ka. If what makes you happy, happy na din ako. Pasensiya ka na, I just can't fight this feeling anymore :-(

_t.m.k. adik_
Sori 2 ds2rb ur slip guyz :-(

Yan ang madramang text na nareceive ko noong May 31, 2010 @ 2:27:53am from my dear friend. Siguro, kung di ko siya friend, baka batukan ko siya kasi ang sarap ng tulog ko, biglang may mang-iisturbo, hmp! Hahaha, joke lang, girl!

Actually, di yun ang unang "madramang" text na narecieve ko sa friend kong yun na tatawagin ko as "J." Since makilala niya yata si crush niya na tinatawag niyang "adik," lagi na siyang naga-unli text para makapagshare ng feelings niya kay adik. Noong una, di ko masyado pinapansin ang mga text ni J kasi iniisip ko, chain messages lang yun. Pero habang lumilipas ang mga araw, napapansin kong parang may pinapatamaan siya sa mga text niya. Gaya ng ibang friends niya na walang idea kung sino ang maswerteng tao na 'to na bida sa mga text niya, na-curious ako na alamin kung sino siya.

Then, I found out na yun nga - siya pala si adik, na crush na crush ni J. Naalala ko tuloy na one time, nagtext pala yun si J na nakasabay daw niya sa jeep ang crush niya at ililibre sana siya ng pamasahe kaso nakabayad na siya. Wow, haba ng hair niya, 'no? (Inggit tuloy ako, ahihi!) To set the record straight, sasabihin ko muna kung ano ba ang friend ko na 'to. Okay, gay siya at na-inlove siya sa isang guy na ka-work niya.

So, yun...nalaman ko na rin sa wakas kung sino ang crush niya. I have no idea tungkol sa ugali ni adik kasi di ko siya kilala personally, pero I can tell, base sa friends ko, na mabait siyang tao. Hindi naman siguro "mahuhumaling" o "maaadik" sa kanya ang friend ko kung bad siya, di ba?


I just hope pwede talaga nating makatuluyan ang taong mahal natin. Siguro kung ganun ang mangyayari, di na mauuso ang word na "brokenhearted" at wala na ring status sa facebook na "single" or "complicated," tama?

Ayokong sanang sabihin na impossible na maging sila (sina J at adik) for life, pero yun naman talaga ang totoo and let's face that fact. Hindi ito ang first time na may friend akong na-inlove sa "maling tao," and I'm not blaming them for loving someone who can't be with them for life. I understand my friends' feelings and I know how it feels to love someone kahit sa sandaling panahon. People may judge my friends and call them stupid, but there's one clear fact: gays and other transgender individuals also have the right to love and be loved back. The only hard thing is that there's no assurance on how long their loved one will hold on to the "special friendship" they shared.

Bigla ko tuloy naalala yung 2006 movie ni Keanna Reeves na "Reyna" kung saan ginampanan niya ang papel na Ivanca Lastrada, an aspiring beauty queen but end up joining a beauty pageant for gays. Basahin nyo na lang ang online reviews sa movie na yun or bili kayo ng CD nun kung gusto nyo mapanood buong story, hehe. Nakaka-touch kasi yung lines niya dun about sa mga bading. Favorite scene ko yung sumali siya sa gay beauty contest at tinanong siya kung bakit dapat pahalagahan ang mga bakla (actually, i forgot the exact question, basta something like that yun). Then, yung sagot na ganito (not exactly ganito, pero yun yung mini-mean niya): "Dapat pahalagahan ang mga bakla dahil sila yung mga taong nagmamahal ng totoo, nagmamahal ng sobra. Kahit minsan alam nilang niloloko lang sila ng bf nila, okay lang sa kanila. Gumagawa pa rin sila ng mabuti. Tumutulong sila sa family nila at maging sa family ng boyfriend nila." Haay, basta...hindi ako bakla pero gusto ko ang mga sinabi ng character ni Keanna dun. After watching the movie, mas lalo kong na-appreciate ang mga bakla (pwera lang sa mga warfreak, hehe - gaya nung gustong mang-away sa'min ni Cha noon kahit wala naman kami ginagawang masama).

Kung may nakikita man kayong bakla na in-love na in-love sa isang guy, hayaan nyo na. Right nila yun. Hangga't di ka naman niya ginagawan ng masama, wag nyo na silang pakialaman, unless siyempre kung boyfriend nyo yung ka-"MU" nya, hehe joke! Pero ako, pwera biro, okey lang siguro kung may ka-"MU" na bading ang bf ko. At least, di lang ako ang nagmamahal sa kanya, di ba? (Kaso ayaw daw niya i-try, ahihi.) Besides, sigurado namang magkaiba ang level ng love ng boys para sa kanilang gf at ka-"MU" na gay. I'm not saying na mas mahigit yung love nila sa girls. Sabi nga, you can never love two persons in the same way, tama? I believe it's possible for a person to fall in love into two persons pero imposible na pareho ang love niya sa taong yun.

To all transgender people na in-love ngayon - kilala ko man kayo o hindi - enjoy the moment pero wag nyo naman ibubuhos ang mundo nyo sa taong mahal nyo. Look around, spend time with your family and friends dahil sila ang mga taong never kayong iiwan. Sila din yung mga taong for life ang commitment sa'yo - they will never leave you, unless ikaw mismo ang gumawa ng paraan para layuan ka or di sila tunay na ka-family or friends. Also, don't entertain criticism kung di mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, just ignore them. Lastly, don't forget people who understand you. Of course, there's God. Though sinasabing wala daw nilalang na transgender si God, He will never let you down because he loves you whoever you are.

2 comments:

Anonymous said...

I like this.. thanks for giving him this thoughts! hehehe..

Anonymous said...

Naiyak aq grabe