Thursday, June 17, 2010

I am a Proud PCOS Tech

Di ako makapaniwalang June 17 na pala ngayon. Parang kelan lang, May pa lang - election pa lang. Diyos ko, ang bilis ng mga araw. By the way, nasabi ko na ba sainyo na nag-PCOS technician ako nung May 10 election? Yes, I became a part of the first automated election here in the Philippines. Akala ko nung nag-submit ako ng resume sa PESO, di na ako makakahabo. Buti na lang nakahabol pa kahit pa'no.

Actually, last week of February pa yata ako nun nagsubmit ng resume pero nung March 4 lang ako in-inform na kasama pala ako sa mag-i-exam the following day. Gosh! Sa sobrang pagka-excite ko, nagleave pa ako noon sa work ko, haha. Enjoy naman yung one-day exam. Nung umaga, lecture...then sa hapon, exam and demo. After nun, sunod-sunod na ang pangyayari. Pinaasikaso na kami ng requirements and nag-attend ng iba't ibang meetings with our PCOS Supervisors.

The election day is great and being a PCOS technician is one of the greatest experiences I ever had. Yun ang pinaka-enjoy kong work - yung tipong para lang akong nakikipag-chikahan sa mga tao while working. Some people may think I'm exaggerating, but I don't care. Ano'ng magagawa ko kung proud akong naging part ng first ever automated election sa Pinas? Besides, successful ang naging election, di ba? Oh, sorry...may iba palang nagsasabi na kesyo pre-programmed daw yung ibang machines. Well, bahala sila kung gusto nilang lokohin ang sarili nila. Besides, wala pa ako nalamang nanalo na nag-claim na may pre-programmed machines nga. Pag nangyari yun, baka pwede pa ako maniwala sa sinasabi nila. Kung bakit naman kasi magsasalit ang mga "bitter" na yun kung kelan natalo na sila? Hay, buhay...

Sa ngayon, balik trabaho na naman ako. How I wish lagi na lang election para lagi akong may work at umuulan ng pera. Hahaha! Weird 'no? Pag election kasi, kahit di kayo close ng isang pulitiko, bibigyan ka niya ng pera kahit di ka humihingi. Pero ngayon, diyos ko! Kahit magmalimos siguro, wala ng budget kasi naubos na, hehehe joke!

No comments: