Tuesday, March 23, 2010

Happy Birthday, Dong!

I want to greet Tam, isa sa mga pinakamabait na lalaking nakilala ko. He's my boardmate/friend/ka-chika-han/etc, hehe too many to mention kasi kung idi-describe ko ang relationship namin, hehe.

Gaya ni Ai, di ko rin talaga in-expect na magiging friendship kami ni Tam kasi akala ko nung una seryoso siyang tao. But then, habang tumatagal ako dun sa boarding house, dun ko siya mas lalong nakilala. Siya yung tipo ng tao na akala mo di mahilig makipag-usap pero di naman pala. Ewan ko kung bakit kami naging close, basta ang alam ko naging friends kami nung maingay na 'ko, hahaha joke (pero totoo).

Since birthday niya ngayon, idi-describe ko siya sa inyo, base sa pagkakakilala ko sa kanya sa loob ng 1 year, 3 months, at 23 days. Isa si tam sa pinakanakakagulat na tao. Alam nyo kung bakit? Kasi mahilig siya manggulat. Hahaha! One time nga, akala niya ako yung nasa loob ng CR kaya inabangan niya. Pero maling-mali siya dahil si Tiya, yung tagalaba ng landlady namin ang nasa loob noon. Tawa kami ng tawa pagkarinig ko na nagkagulatan sila ni Tiya. Whatta joke, dong..hahaha! Isa yun sa pinaka-nakakatawang mga happenings sa boarding house namin. Minsan nga, kahit solo ako dun, natatawa ako pag naaalala ko yun. Funny talaga.

Actually, mula naman nang lumipat ako sa kanila, we've been friends na. Besides, we're both friendly naman kasi, hahaha! (May ganun?! Nagbuhat ba ng sariling upuan?) Pero totoo naman talaga, mabait kami pareho. Ooops, wag na magtampo iba kong boardmates. Pag birthday nyo sasabihan ko rin kayo na mababait kayo, hahaha joke! Seriously, lahat naman sila mabait. Kaya nga ayaw ko na umalis dun. As much as possible, gusto ko mag-stay dun. Aminin ko man o hindi, happy ako with their company. At hinding-hindi ko makakalimutan yung support na pinakita nila sa'kin last December. I don't want to elaborate anymore, I'm sure alam nyo naman kung ano yun. (Sa mga hindi alam ang full details about the issue, just email me, hehe. Ayaw ko i-post dito kasi I don't want to hurt myself. Ayaw ko din i-judge "na naman" ako ng ibang people, just like what they did and still doing now.)

For you, Dong (tawagan naming mga boys, hehe), happy birthday po. Hayan, dumagdag na naman ang edad mo, dapat madagdagan din ang friends mo para mas astig, di ba? Wish ko sana makabungguan mo mamaya pag-uwi ang dream girl mo. Ay, sabagay...baka nasa duty siya ngayon..hehehe peace!

Hay, tama na nga 'to. Baka batuhin mo 'ko pag nabasa mo 'to. Basta magpaalam ka pag babatuhin mo na 'ko para makahanda naman ang lola mo, hahaha. Basta Dong, maligayang kaarawan sa'yo.

No comments: