Tuesday, March 30, 2010

Chain Text.......for a Cause?

Sino kaya ang mga taong 'to na walang magawa kundi siraan si Noynoy, isa sa mga Presidential candidtaes para sa darating na May 10, 2010 election. Naisip ko nang una akong makatanggap ng text from an unknown sender, bakit kaya sila nagsasayang ng load para siraan siya? Heto ang number ng unang nagtext sa'kin noong March 13: +639995177260. Actually, hindi ko ma-gets ang text niya kasi putol. Ito lang ang nakuha ko: "7 peasant farmers, who were protesting their take home pay of P9.50-a-day at the Cojuanco/Aquino-owned Hacienda Luisita in Tarlac, were murdered in cold*"...hayun, putol na. Kainis, magbibigay pa sila ng "information", putol pa! Ano ba yan? Di ko tuloy maintindihan ng lubos kung ano ang ibig nilang sabihin.

Yung pangalawang texter naman na may cp number +639995109726, nagtext siya noong March 23. Actually, nawala yung unang part ng text niya. Pero heto ang buong text message na natanggap ko: "* ma COO ng hacienda. ?No. WE'RE NOT GOING TO!! Ayon sa New York Times, 5yrs ng nilalabanan ng mga Cojuanco/Aquino sa SUPREME COURT ang utos ng pamahalaan na ipamahagi ang LUPA!" Ewan ko kung totoo yun, pero I'll make sure na ire-research ko ang issue na yan before election.

Then today, March 30, saka pa lang ako nakatanggap ng buong text from Noynoy's detractors. According to my texter na may cp number +639995342301, "NOY ipinagbabawal ang MEDIA magtanong tungkol sa Hacienda. Ngayon pa lang, puro cover-up na. Pa'no kaya pag naging pangulo na? Pls pass to unmask  TRUTH about NOY!" Hmmmm, mukhang grabe ang tama ng mga 'to. Hindi talaga sila titigil hangga't di bumibitiw ang tao kay Noynoy.

Pero kahit papa'no may advantage naman ang mga text na 'to. Aminin??? Iri-reply ko sana yung unang texter kaso natakot ako noon na baka madami i-charge sa'kin kasi baka sa abroad ang number na yan (wow, sosyal..haha joke lang. I know, dito lang yan sa Pinas). Naisip ko kasi sayang naman ang load ko, hehe. Sayang naman.

Teka, bakit ko ba 'to pinost na mga text nila? Excuse me, di ko 'to ginawa para siraan si Noy. Gusto ko lang i-display ang numbers na text ng text sa'kin. Hayan, sikat na sila, hahaha. Mabuti pa yun network na yun, nabentahan ng madaming sim cards dahil sa election. Kumikitang kabuhayan talaga, hehehe. Sa texters na yan, sana padala din kayo ng load para siguradong maipasa ko ang chain text na yan. Pwede?

Ay, sandali? Bakit pala sabi noong third texter (hindi ko sinabing last kasi baka may magsend pa, hehe)  please pass? Sure ba siyang nakumbinse niya ako? What if, isa pala ako sa mga supporters ni Aquino? Hay...buhay. Amoy-election na talaga.

P.S. May nagtext din pala sa globe number ko. Sabi ng texter with mobile number +639085866496 sa text niya nung February 10, "Kaibigan, gusto mo bang maging KOMUNISTA ang ating bansa? Kung HINDI, vote wisely! Wag iboto ang mga partylist na BAYAN MUNA, ANAKPAWIS, ANAKBAYAN, MAKABAYAN, KABATAAN, GABRIELA, AT SINA sina Satur Ocampo, Liza Masa, Riza Honteveros, Tedy Casiño. Isa lamang sila na sumusuporta sa makakaliwang grupo na ang layunin ay palitan ang ating DEMOKRASYA. Send it to your friends and relatives as many as you can. Ang bawat text mo ay mahalaga. Salamat, kaibigan."

Hay, nakakaloka ang texters na 'to. Nagsasayang ng load para manira ng kapwa tao. Ewan ko ba? Hate ko talaga ang chain texts.

No comments: