Thursday, February 25, 2010

Happy Birthday, Ai


Since today is February 26, 2010, I want to dedicate this article to my friend, Aileen Mazo, who is celebrating her 22nd birthday today.

I really can't remember kung kelan kami naging "friends" ni Ai. I mean, I don't know the exact date. One thing is for sure - first week yun ng December. Nagstart ako magboard sa boarding house niya nung December 1, 2008. During the first few days of staying there, di kami masyado nagkakausap. Si Che lang lagi kong inaabutan dun. Tahimik pa naman si Che, nahihiya tuloy ako minsan makipaghuntahan ng bongga sa kanya.

Naalala ko pa, first approach niya sa'kin noon, "Hi, Margene." I'm not sure kung yun talaga yung exact words niya, but she called me by my first name, hehe. She saw my file case daw kasi and asked Che kung sino may-ari nun. So, there - nalaman niyang Margene ang name ko.

At first, very shy talaga akong ipakita sa kanila ni Che ang tunay kong ugali. Di pa ko nun tumatawa ng malakas kahit grabe na ang gusto kong itawa. Then, one time, may pinag-usapan kami - actually, chismis yun about some anek-anek, haha. Bawal sabihin dito kasi baka may mapikon sa'min, joke! Basta after ng kwentuhang yun, naging close na kami.

By the way, her first text for me is this: "Tears is the most meaningful liquid. Wanna know why? Because out of many liquids here in the world, only tears can explain the real meaning of pain."

During the Christmas party on December 13 (not sure), 2008, sama-sama kaming magbo-boardmates plus ate Cecil (my friend way back in WPCAT Days). Aside from Ai and Che, my other boardmates at that time are KUya Lex, Tam, Gie, and Seth. Kuya Lex is my friends since WPCAT Days also. Si Tam, dun ko na lang naging close sa boarding house. I really don't know him before I stayed there. The two boys are nice. (May isa pa palang male boarder dun noon, si Angel. Sa Gaisano siya nagawork. Nice din sya. Minsan, siya kausap ko pag wala pa yung iba dun. He's so religious.) May isa pa pala akong na-meet dun sa boarding house, si Gee na taga-Virac, Catanduanes. Kaso di kami masyado nakapag-bonding kasi umalis din siya agad sa boarding house after ko lumipat dun. Nagresign na kasi siya noon sa COSI.

Gie and Seth are best friends since college. BUCAF graduates sila at ahead ng one year sa'min ni Ai. They both work sa Gaisano that time. Si Seth, napakatahimik. Si Gie, okay naman. Di ko nga inexpect na magiging close kami up to now na nasa DENR na siya. Pumupunta siya sa boarding house pag vacant Sunday niya.

Back to Ai, di ko talaga alam kung pa'no kami naging close. Basta namalayan ko na lang, nahawaan ko na siya sa kalokohan. Ang pinakagusto kong moment namin yung binabato niya 'ko ng tuwalya niya. Ewan ko kung bakit ginagawa niya yun. Basta ang alam ko, di naman ako nasasaktan, nag-e-enjoy pa nga ako, hahaha!

On a serious note, I'm so happy for having a friend like her. I'm sure marami pa akong makikilang friends someday, but there's one thing I wanna say to her: I will be her friend no matter what happens, as long as she wants me. Sana kahit marami na siyang makilala at maging friends, lalo na ngayong nasa Sorsogon na siya, wag niyang kakalimutan si tin - ang kanyang kakambal sa boarding house ni Ate Miriam.

Ai, Happy Birthday!!!!!! Sana marami ka pang mabato ng tuwalya, hehehe peace! Good Luck, girl!

No comments: